a sad Filipino Christmas poem to all who’ll celebrate White Christmas this yuletide season…
Friday, December 7th, 2007NANGUNGULILA SA PASKO
By Jarel Enriquez
Ang gabi ay masaya,
Puno ng pagmamahalan.
Inilawan ang sansinukuban,
Sa pagsilang ni Hesus sa sabsaban.
Ngunit, ako’y mag-iisa
Mag-iisang magdiriwang
Sapagkat kulang ang Pasko
Dahil wala ka sa tabi ko.
O, mahal ko.
Sana’y malaman mo.
Ngayong Pasko,
Ako’y nangungulila sa ‘yo.
Hanggang dito nalang ba?
Paskong-pasko’y walang sigla.
Sapagkat ika’y malayo,
Umiiyak ang aking puso.
Bagamat ganito ang nadarama,
Ako’y sumasamo’t walang sigla,
Sapagkat ika’y malayo.
Umiiyak ang aking puso.
Bagamat ganito ang nadarama,
Ako’y sumasamo’t umaasa,
Ika’y mahagkan at makapiling
Sa Paskong aking hinihiling.